Hello.
This is my first blog in months. Since I got nothing to write about right now, and that I am editing the site, i figured maybe I'll just leave you something to read. Hope you like this one, it's my latest work. But you need to translate this if you're a foreigner.
Here's a story...
MAKINIG KA
Bien S. Mabbayad
©2008
“Miss, magkano uli sa MP3?!”
“Trihandred!”
“Ha?!”
“Trihandred!”
“Ba’t ang mura?! Ano ba iyan,
“Second hand na kasi ‘to! May bumili nung isang araw pero isinoli uli!”
“Ha?!
“Wala!”
“Ha?!”
“Wala sabi!”
“Sigurado ka?!”
“WALA NGA!!”
“O, sya! Sige na! Huwag ka nang sumigaw!”
Tama ka.
Ganito talaga kaingay sa Quiapo. Puro busina mula sa trapik, sigawan ng sigawan ang mga tao; dahil nga sa napakalakas na tugtog nung mga loudspeakers sa daan, lalo na diyan sa Raon. Maingay. Magulo. Nakakainis. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit ako bumili ng MP3 Player. At least may napaglilibangan ako.
Pero kung alam ko lang
Ganito kasi iyon.
Kakaiba kasi itong nabili kong player. Nung una, okay na lang, e. May mga nakapasok nang mga files dito kaya kinutingting ko muna. May mga luma tulad ng White Lion, Toto, at Air Supply. Stupid, corny, sentimental. May bago rin
Well, nobody’s perfect.
Pero nung makababa na ako sa Cubao galing MRT, iba na ang napindot ko.
“What the…?” lang ang nasabi ko. What the… at konting siyet na malagkit kasama ang damn. Maski na suot ko ang earphones, rinig ko pa rin ang paligid. Rinig ko pa rin ang daloy ng mga sasakyan, iyung mga tunog sa kalye. Pero ang naiba ay ang mga naririnig kong salita ng mga tao.
“Aputako, egudule budulbudul!” Ewan. Hindi ko na naintindihan iyung kumausap sa akin.
“Kawga! Bukaka um ahihi!” Kung ano man ang sinabi nung matandang lalaki, sa hitsura niya parang mahalaga. Nakasimangot at parang naiinis.
Tinanggal ko ang earphones, “Ho?”
“Iho, ang sabi ko anong oras na?!”
“Alas kuwatro pasado, po.”
“Hus! Mga batang ito! Kung anu-ano kasi ang isinasalaksak sa mga tenga ninyo kaya kayo nabibingi! Matuto naman kayong makinig! Hoy! Nakikinig ka ba?!
Isinuot ko uli ang earphones.
Nakapagtataka.
Hindi ko nga siya naintindihan. Nung una akala ko baka napatay ko lang ang player, o kaya sira. O baka mahina ang baterya. Pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon para mag-iba ang salita ng mga tao sa paligid.
Habang naglalakad na ako pauwi sa amin, may napindot na naman ako. Iba naman ngayon. Tumilaok bigla ang celfone ko. Ah. Ringtone. Ang kaso bukod sa tilaok, may isa pa. Ibang celfone?
Sa kalangitan ko narinig ang mala-dambuhalang tunog ng kung anong ibon. Nang mapatingin ako, sa eroplano pala iyon nanggagaling. Sa may kanto, humiyaw na parang kabayo ang motor ng kapitbahay, at biglang dumaan sa may bandang
May sa engkanto kaya itong nabili kong player? Ito ba ang dahilan kung bakit isinoli ito nung unang bumili? Pero sino kaya iyon? Ano ba ang ulam sa bahay?
Maraming tanong.
Sadyang napakarami.
So, lumipas din ang isang gabi at nalaman ko rin ang iba pang laman ng player. Ang paborito ko pa nga ay iyung nature sounds kung saan mala-huni ng ibon ang tunog ng utot ko. Ang kaso, sa kabila ng mga pagkukutingting ko, e may mga hindi pa ako nadiskubreng mga sikreto.
GLORIA ang pangalan niya. Gloria S. Diaz daw, kapangalan ng isang artista. Mukhang artista, kutis artista. Duon ko siya nakilala ng mapasakay uli ako sa MRT papuntang Recto. Kaunti lang ang tao roon at
“Hi, handsome,” ang sabi niya sa akin. Boses anghel siya, iyon ang alam ko. Boses anghel na mahalimuyak ang hininga.
“Ah, hi,” sabi ko. Nung una, hindi ko inalintana ang kunot ng noo niya. At ang hindi ko rin inalintana ay ang pagkakatitig sa amin ng ibang mga pasahero. Dalawang senyales na dapat
“Ano’ng pangalan mo?”
“Kwan, Juan,”
“Juan? Juan, you are so cute!”
“Ahahaha… h-hindi naman. Ba’t mo ba ako kinakausap, matanong lang? Hehe… Sori,”
“You want to make love with me?”
“Make… make love? Let’s make love to m… Este gusto mo ba talagang mag, make-love tayo?”
At bakit nga ba siya mukhang galit? Simple lang.
Sa isang silip sa player, nabasa ko ang file, Most Favorite.mp3
“Oh, Juan! This is for you!”
“Patay…”
Sampal.
Suntok.
Tadyak.
At pinulot ko ang sarili ko mula sa sahig. Tinanggal ko ang earphones.
“Bastos!” sabi niya at lumipat ng ibang lugar.
Ewan ko kung bakit nagkaganoon. Pinilit ko na ngang kabisaduhin ang controls pero heto. Bastos daw ako, sabi nung aleng nakaupo sa gilid. Manyak, gago, at iba pa na galing sa ibang mga naroon. At aabangan daw ako sa labas nung isang malaking lalaki sa tapat, sabay kindat sa akin.
Kaya duon pa lang gusto ko na talagang itapon itong player. Kung may espiritu man ito, tiyak pinagtatawanan na ako ng putragis. Desidido na
Tinignan ko ang relo ko. Late na ako. Ayos. Panibagong sabunan na naman.
MASKI na matapos akong sabunin ng manager namin at mabanlawan ng aking mga katrabaho, wala parin akong tigil sa kakaisip kay Gloria. Ang sabi ruon sa kanyang ID, e isa siyang nurse sa
Kaya pagdating ng lunchbreak ay agad din akong umalis. Hindi ko na inalintana kung ano ang sasabihin ni boss kapag nalaman niyang nag-undertime ako. Ayos lang iyon. Bahala na. Sa susunod na lang ako babawi.
Nang makarating ako sa ospital ay may nakausap akong matabang babae sa may reception desk.
“Excuse me, miss? Saan ko po ba mahahanap si Miss Gloria Diaz?”
“Sa tibi.” Banggit niya ng walang lingon.
“Ay, hindi po, si Nurse Diaz po.”
“Sa TB nga. Tuberculosis lab, room thirty one! O, ayan na pala siya, e! Sige, boy, ha?”
Si Gloria nga ang papalapit. GloriaDiaz. Isang anghel na gumagamot ng tao. Parang ang sarap magkasakit tuloy doon mismo sa pagkakataong iyon.
Isang earphone sa isang tenga, set player to file: Easy Listening.mp3
Mahirap na.
Sa tingin ko pa lang sa mga mata niya ay alam ko na ang kanyang iniisip.
“Jane, paki file ito for Dr. Nonato. Ako na ang bahala rito,”
“Yes, mam.”
Sa pag-alis nung matabang babae ay tumitig uli si Gloria sa akin.
Sinusundan kaya ako nito?
“Ang kapal din ng mukha mo, ano? Ba’t ka nandito?”
Stalker? Rapist? Oh, God… ano itong dinudukot niya sa bulsa?
“Nahulog mo ito sa MRT kanina. Ibibigay ko lang.”
Wallet ko?
“Umm… Thank you, Mr….”
“Ako si Juan.”
Sinilip niya ang laman ng wallet.
…Twenty… Forty… may nawala ba?
“Naku salamat uli, ha? Nag-abala ka pa.”
Ang address ko kaya, kinuha ng mokong na ito?
“Actually, hihingi rin
“Pasensya na rin, sir, ha?”
“Hindi. Kasalanan ko’ng lahat. May pinoprobl…. May iniisip lang kasi ako noon,” sabay buntung-hininga.
Ba’t madrama ito?
“I really am so… sorry.” Sulyap, yuko, at alis; kaladkad ang mga paa papalabas.
Di kaya seryoso siya?
“Sir, okay lang kayo?”
Lumingon ako sa kanya, at ibinigay ang pinaka-sweetest smile ko at makapigil-luhang sinabing,
“Okay lang ako, miss.”
“Gloria. Gloria na lang. Look…”
Hay, mukhang okay naman siya, e. Cute sana, pero ‘di na bale.
“Look, may break ako ng mga after ten minutes. Kung gusto mo talagang bumawi sa akin, ilibre mo ako sa canteen. Deal?”
Ano ba itong ginagawa ko? Pero… Fine. Sympathy, girl. A little sympathy.
At ako naman, “A… Baka abala lang ako, pero sige. Ba’t hindi,” sambit ko. Kaya, ayan. Tulad ng matagal ko nang sinasabi sa sarili ko, diskarte lang.
“Okay. May dadalhin lang ako sa lab. Babalik ako.”
Hindi ko malilimutan ang mga mala-anghel niyang ngiti nang umalis siya. Pakiramdam ko para na akong nasa langit, kung langit nga ang tawag mo sa lugar na amoy formalyn at gamot, alcohol at kung ano man ang masasabi sa amoy na galing roon sa nakatalukbong kumot sa higaan na tinutulak ng isang lalaki paparaan sa akin. Ang langit ay amoy ospital.
Hindi ko na malaman kung ilang minuto na ang lumipas. Pinaglalaruan ko ang player at madalas kong i-set sa Easy Listening.mp3
Mula sa earphones ko ay narinig ko ang mga trabahador na nag-iisip kung magkano na ang susuwelduhin, mga pasyente na kinakabahan kung ano na naman ang ihahain sa kanila ng ward.
Di kalaunan, may narinig akong kakaiba. Mahina ang mga tinig sa una.
Tulungan nyo po ako! Ayoko na dito! Ayaw na!
Mga bata! Pero kung saan nanggagaling ay hindi ko malaman. Sumakay ako ng elevator. Bahagyang humina ang narinig ko. At sa second floor, lumakas uli ang mga tinig.
Hindi ko alam kung ano ang naisip ko’t hanapin sila. Ang alam ko lang ay kailangan nila ng tulong. Pero bakit ako? Malamang ito ang dahilan kung bakit sa dami ng mga dumaraan sa Quiapo, ako lang ang nakapansin sa tindahan sa tabi ng Simbahan.
Pediatrics. Sa banding dulo na ward.
Sa gitna ng hallway ko narinig ang isang tinig. Umiiyak.
“Hello?” sabi ko. Pero walang sumagot. Maliban sa isa.
Help! I’m here! It’s so dark! I’m here!
Sumilip ako sa loob ng isa sa mga kuwarto doon, at tumambad sa akin ang napakaraming mga bata na nasa kani-kanilang mga
Who’s there? Anybody there?
Isang batang lalaki ang nakatawag pansin sa akin.
Is someone there?
Puro pasa ang katawan niya. May benda sa ulo. May cast sa kaliwang braso. Maski ano ang gawin ko ay hindi ko siya magising. Ano nga ba uli ang tawag sa ganoon, comatose?
“Boy?” bulong ko sa kanya.
May nabasa ako sa isang magazine dati na ang sabi ang mga na-comatose daw ay may kakayahang makarinig. Naiintindihan daw nila ang bawat sabihin mo, maski na ba mistulang gulay sila. Hindi ko alam kung bakit wala silang bisita rito. At lalong huwag na huwag mo akong tatanungin kung paano ko sila nakausap sa tulong ng mp3 player ko. Ang mahalaga para sa akin ay ang nakausap ko ang batang iyon.
“Boy? What is your name?”
Ron-ron. I… Ikaw ba si Lord?
“A… hindi, Ron-ron. A…”
At ano nga ba ang sasabihin mo sa katulad niya? Na bisita lang ako at naroon siya sa ospital ngayon? Comatose, bugbog ang buong katawan? Ni hindi ko nga alam kung bakit siya nagkaganoon. Sa kaloob-loban ko lang, e… ano na ba itong napasukan ko?
“Isa akong kaibigan. Ako si Juan.”
Juan? As in John? I’m so scared na po. Everything here is so dark. You know where Dad is?
“Sorry. Sorry, hindi ko alam.” Nakakaawa siyang tignan. Nag-iisa sa dilim,
“Ron-ron? Ano ang full name mo?”
Reginald… Tolentino po. I’m scared po.
“How… A… Paano kita matutulungan?”
Hindi siya sumagot.
“Ano ang gusto mo, Ron-ron? Kokonin ko para sa iyo.”
Sometimes, when I get scared, I hug Curious George.
“Curious George?”
Doll ko po, bigay ni Daddy.
“Sir, ano po’ng ginagawa ninyo diyan?! Bawal po kayo diyan!”
Isang nurse ang gumulat sa akin. Tinitigan niya ako ng masama at ako man ay napahiya sa kanya.
“Ano, bumibisita lang ako.”
“Sir, no visitors allowed po sa wing na ito. Authorized Personnel only.”
Hinarap ko uli ang bata, “Ron… Reginald, kanino ko mahahanap ang toy mo?”
“Sir? Tatawag na ako ng guard.”
“Reginald?”
“Sir! Bawal po dito.”
From my daddy.
“Sir, ano ba?! Bawal po sabi kayo dito!”
His name is… Benedict. Benedict Tolentino. Juan, please help me. Tell Daddy, please? Tell Daddy.
Hinaplos ko ang kamay niya. Siguro hindi lang ako talaga nag-iisip kaya tuloy hinampas ng nurse ang kamay ko.
“
Mariin akong pinigilan ng nurse na hawakan uli ang bata, halatang naiinis at kinakabahan siya sa akin. Sino ba ang hindi sa hitsura ko? Ngumiti na lang ako sa kanya at sumakay na sa elevator sa hallway.
Ewan ko ba kung ano iyang napasukan ko. Hindi na naalis sa isip ko tuloy ang bata habang pababa na ang elevator. At sa pagbukas pa lang ng mga pintuan ay agad din akong dinampot ng dalawang guard, na kulang na lang ay kaladkarin pa ako sa labas. Pero sa totoo lang gusto ko na ring lumabas talaga at hindi ko malaman ang nararamdaman ko nang araw ring iyon. At lumala pa lalo ang eksena nang madatnan kami ni Gloria.
“Hoy, teka, ano’ng nangyayari diyan?!” mariing sigaw niya sa mga guard habang binibilisan ang paglakad papalapit sa amin. Walang tigil ang mga guard sa pagdala sa akin papalabas ng ospital. Sa bandang likuran ay humahabol si Gloria. Akala mo talaga kung ano na ang nangyari sa dami ng mga taong nanonood sa amin. Nakakahiya na rin tuloy kay Gloria. Score na
Walang lingon na sinabi ng guard na trespassing daw ako. Tinangka ko pa raw na may gawin sa isang bata. Hindi makapaniwala tuloy si Gloria, “Ano?”
Dahil sa wala rin naman akong magagawa, sinabi ko ang lahat,”Gloria, sa pediatrics recovery room. Iyung mga batang comatose. Naririnig ko sila.”
At kung suot ko lang uli ang earphones, narinig ko
“Sige na, Gloria, paniwalaan mo naman ako, o… Hindi ako nagsisinungaling. Narinig ko sila!”
“O, sya, tigil na iyan. Labas na,” mahigpit na hawak sa akin ng guard.
“Praning na yata ito, pre,” sambit pa ng kasama niya.
Muli nila akong binit-bit, pero mas mariin, mas puwersahan.
“Hindi, Gloria! Hindi ako nagbibiro, maniwala ka! Si Ron-ron! Ron… Reginald! Si Reginald Tolentino, hanapin mo siya roon sa pedia! Naroon siya! Nakausap ko! Kailangan niya ang tatay niya tsaka si Curious George!”
“Alis na sabi!” sigaw ng guard nang halos sipain ako palabas. Nagdatingan na rin ang iba pang guard mula sa labas. Hindi na rin ako nanlaban. Tumayo lang ako roon at sumigaw, “Gloria, hanapin mo ang tatay niyang si Benedict! Alam niya kung nasan si Curious George!”
“Aba’t lintik na---“ mga pambambo na ang sumalubong sa akin kaya agad na rin akong umalis.
“Curious George!”
Ang tanong, narinig nga kaya ako? Kung narinig ako, nakinig naman ba? Ewan. Sa palagay ko, e hindi ko na siya makikita pa. Malamang ipapulis pa ako kung magkita man kami. Diyahe… Bakit ba palagi na lang sa akin nangyayari ito?
Ang mahiwagang MP3 Player, ang iba’t-ibang mga naririnig ko roon, si Ron-ron, si Gloria. Mabuti pa
SINADYA ko uli ang ospital kinabukasan. Pero hindi na ako nagtangkang pumasok. Ano pa nga ba ang ipamumukha ko ngayong bad shot uli ako kay Gloria? Sa totoo lang, e hindi ko malaman ang gagawin ko. Paano ko nga ba naman kasi matutulungan iyung mga bata sa pedia, e wala talaga akong kaalam-alam kung paano? Pero… ano’ng klaseng tao naman ako kung tatalikuran ko sila? Peste rin pala itong player na ito at nasangkot pa ako sa ganoong gulo.
Maya-maya ay may kung anong kumakain sa kaloob-looban ko habang nakatanaw ako sa ospital.
Napatigil ako.
“Paano mo nalamang Reginald ang pangalan ng pasyente namin sa pedia?”
Sa katotohanan, ayoko talagang sabihin at baka lalo niyang isiping sira-ulo ako.
“A… nabasa ko sa, ano ba iyon? Cardboard?”
“Clipboard?”
“Ayun! Nakasabit kasi sa may higaan niya. Sinilip ko kaya nabasa ko.”
“Walang clipboard doon.”
“Wala? E iyung nakasulat duon sa strap niya kasi ‘Reginald’ ang nakasulat.”
“Juan, hindi namin ginagawa roon iyon. Lahat sila ay may numero lang sa higaan at ang mga impormasyon nila ay naroon sa ward kaya please lang, paano mo nalaman?”
Wala, e. Ipit na. Kaya ayun, tulad nga ng pangako ko, inilibre ko siya sa canteen di kalayuan doon. At habang kumakain ay ipinarinig ko sa kanya ang player. Lahat na siguro ng klaseng expression sa mukha nagawa na niya habang nakikinig. Mula sa gulat, takot at hanggang sa pagtawa. Hanggang sa natahimik uli kami, umiinom ng sago. Tumingin siya sa di kalayuan, minamasdan ang mga tao sa kabilang kalsada, doon mula sa loob ng canteenang kinakainan namin.
“Ano’ng gagawin mo ngayon?” tanong niya.
“Ewan.” Ewan talaga. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung saan magsisimula.
“Reginald Tolentino… Ang pagkakaalam ko madalas bumisita ang tatay niya every Friday.”
“Sa tingin mo kaya paniwalaan tayo?”
“Bakit? Ano ba’ng
“Ba’t hindi? Wala na akong maisip na ibang paraan kasi.”
“Sira ka pala, e matapos nung ginawa mo kahapon? Sa tingin mo kaya papapasukin ka pa ng mga guard?”
“Hindi ba tutulungan mo ako?”
Hindi agad nakasagot si Gloria.
“O, ano? Narinig mo naman ang player ko, hindi ba? Hindi ba?”
“Fine, sige na nga. Sige, ako na ang kakausap kay Mr. Tolentino. At ikaw naman ipahihiram mo sa akin ang player.”
“Naman…”
“O, sige, kung iyan ang gusto mo, ilalakad kita sa loob. Pero may utang ka sa akin, ha?”
“Ayos. Ambait mo talaga.”
“Pag ako natanggal dahil sa inyo, ha?” banggit pa nga niya.
Magdadalawang linggo na palang ganoon si Reginald simula ng mabundol ito. Ang sabi daw ng mga doktor ay baka matagalan bago raw ito magising.
Sa totoo lang ay kung ano lang ang maisip ko ang ginagawa ko sa mga sandaling iyon. Kinausap ko uli si Reginald, gamit ang player ko. Sinabi kong naroon ang kanyang tatay. At saka ko ipinahiram sa kanya ang player. Hindi ko masabi kung ano ang naramdaman namin nung panahon na iyon sa loob ng pediatrics ward habang kausap ni Ron-ron ang tatay niya.
Nang matapos iabot ni Mr. Tolentino ang manika ay hinawakan niya ang bata sa kamay. Binulungan niya. Nang araw ring iyon ay naniwala ako sa himala. Unti-unting gumalaw si Ron-ron. Nung una, ang mga daliri, gayon din ang mga braso niya at binti. Hanggang sa tuluyan na itong magising.
“You’re here.” Mahinang sabi ng bata sa ama.
“We all are.” Laking tuwang sabi ni Mr. Tolentino.
Lumingon si Mr. Tolentino sa akin at iniabot uli ang player, “Thank you.”
“Uhh… Juan? Is that you?” sabi ni Ron-ron.
Kung hindi ako kinabig ni Gloria ay hindi agad ako makakasagot. Palibhasa lahat kami ay hindi makapaniwala.
“Ako nga ito, Ron-ron. Si Juan.”
“Thank you for saving me.”
Sa sobrang tuwa ni Gloria ay nahalikan niya ako sa pisngi. Iyon pa lang ay pabuya na para sa akin. Lahat kami ay natuwa ng araw na iyon. Ang araw na nagbago sa buhay ko. Kung dati rati, ingay lang sa akin ang paligid. Pero ngayon, iba na. Salamat na rin sa nabili ko. At least may libangan na ako.
So, ito ang kuwento ko. Pasensya na kung medyo mahaba, kaibigan. Sa ngayon ay lumalabas na kami ni Gloria, at sinubukan na rin naming gisingin ang iba pang mga bata gamit ang Mp3 Player na iyon.
At least ngayon ay natuto na akong makinig.
BsM
1 comment:
Nice short story. Athough, I find it too verbose to my liking sometimes. Tapos yung transition between the child's talking consciousness and the real world, quite confusing. Kasi parang walang break and at times, I do not know if the woman was talking or someone else. Would appreciate a few descriptive paragraphs to state the distinction.
Well, I suppose you already know who I am.... :)
Post a Comment