Welcome welcome welcome...
So here you are now, my new students, though I shouldn't call you that since the word "student" seems to be quite political. No, no, no... I'd rather call you ...
My young professionals.. Now that's better.
Right. As requested by many of you, I will be placing our very first lesson for this semester.
And oh, but how fun it is to tackle the subject of literature with such zest. Imagine having to argue about sex and gender, about economic politics, about race... quite a deep ocean, really.
Anyway... here, as promised, the Michael Coroza's poem "Pagkat Lalaki Ka."
(Just a warning: if you find any difficult words, just encircle them and look for their meaning in a dictionary, or look it up in the interenet. Trust me. You'll thank me for the advice.)
The poem is about Man and his image, wherein Coroza is giving him an advice on change. Well, enjoy...
I.
Pagkat lalaki ka, Anak,
Matuto kang umiyak.
Mapait langgasin ng luha ang gunita
O ang bagong sugat ng huling pagkadapa
Subalit malinis at subok ang bisa
Ng luha sa pagtanggal ng mga mikrobyo
Sa isip, puso at buong pagkatao.
Pagkat ikaw ay lalaki,
Matuto kang magsisi,
Dagok sa danal ang pag-amin sa kasalanan
Ngunit sadyang walang may monopolyo ng katwiran
Hayaan mo na ikaw ay usigin, husgahan,
Sa ganyan mo mahahanap ang angkop na sangkap
Upang ang iyong pagkatao’y maganap.
II.
Minana mo, Anak,
Ang laksang pribilehiyo
Na pinagpasasaan
Ng mga nagtindig ng torre ng Babel,
Piramide, Koliseo,
Ziggurat, Templo,
Ang mga imperyo.
Iyo rin ang luwalhating
Tinatamasa nila
Sa mga maskuladong
Pahina ng istorya.
Ngunit, Anak, dumadaloy rin
Sa iyong katauhan
Ang mapagmalupit
Nilang lohika’t pangalan
Na nandarahas, gumagahis,
Nagpipiit sa iyong ina’t
Sa lahat ng ina’t babae sa daigdig.
Iluha mo, Anak,
Ang kanilang nakaraan.
Pagsisihan mo, Anak,
Ang kanilang kamalian.
III
Ang babaeng kakambal
At altar ng lupang
Nagluwal, kumandili’t
Nagpalaki sa lahat
At siya ring hantungan,
Aangkin sa labi
Ng lahat sa wakas
Ay bina-bahagi,
Inari, inararo,
Ginawang pundasyon
Ng lahat ng edipisyo
Subalit nasadlak
Sa mantsa ng dugo
Sa kumot ng halaga,
Ang silbi sa kasaysaya’y
Winalang-saysay at binura.
Tayo ngayo’y nabubuhay
Na may huwad na malay
Na moral, lohikal, at legal
Na napapairal ng lisyang katarungan:
Sa pedestal ng ating
Mga pagpapahalaga,
Walang gantimpala
Sa sakit ng panganganak,
Wala ring pabuya
Sa pagod ng pagmumulat
Ang babaeng matapos
Magbigay ng sarili
Sa anak ay naiiwang
Basyong walang silbi.
IV
Pagkat ikaw ay lalaki,
Matutuo kang pumatay.
Kitlin mo sa iyong sugat
Ang huwad na malay.
Sa akademya mo na lang
Ipatistis ang laman
At dugo ng huwad
Na malay mong pinaslang.
Durugin mo’t ilibing
Ang mga kalansay
Pagkat lalaki kang
Magbabago ng kulay.
If you wish to find out what he looks like, here's a simple picture of the man.
click "byte me."
Thursday, June 17, 2010
"Sapagkat Lalake Ka" by Michael Coroza
By The Professor Issued Thursday, June 17, 2010
Flavor Philippine Literature
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Thank you Sir!
Post a Comment